CABANATUAN CITY, Philippines — Tatlong kalalakihan ang inaresto ng mga tauhan ng Bantay Bayan matapos na maaktuhan sa pot session sa bisinidad ng Barangay General Luna sa Cabanatuan City, Nueva Ecija kamakalawa ng hapon.
Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Alberto Trinidad, 22; Ramil Buluan, 31, ng Barangay Buliran; at Romy Marlon Yuzon, 21, ng Barangay Bantug Bulalo. Nakumpiska sa mga suspek ang ilang sealed transparent plastic bag na naglalaman ng marijuana; cigarette roach at rolling paper.
Dinala na ang mga ebidensiya sa tanggapan ng Crime Lab at nakatakdang isailalim sa drug testing ang tatlong nadakip.