Mag-ama niratrat, kritikal

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Kasaluku­yang nakikipaglaban kay kamatayan ang hepe ng pulisya sa bayan ng Magarao habang mapuputulan na­man ng paa ang kanyang anak na babae makaraang pagba­ba­rilin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki sa terminal ng sasakyan sa Barangay Triangulo sa Naga City, Ca­marines Sur ka­hapon ng madaling-araw. Tatlong bala ng baril ang tu­mama sa katawan ni P/Chief Insp. Angeles Balla, 48; at anak nitong si Angel, 1, kapwa naka­tira sa Ba­rangay Del Rosario. Nabatid na nasa harapan ng pag-aaring ka­rin­derya si Angeles habang kalong ang kanyang anak na babae nang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen.

Show comments