Hukom itinumba sa hotel

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Kamatayan ang sumalubong sa isang beteranong hukom maka­raang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki ha­bang papasok ng hotel sa bayan ng Aparri, Ca­gayan noong Martes ng gabi.

Sa phone interview, ki­nilala ni acting provincial po­lice director Senior Supt. Fe­liciano Caraguian, ang napaslang na si Judge An­dres Cipriano, 59, ng Aparri Regional Trial Court Branch 9 at pansa­manta­lang nanunuluyan sa St. Patrick Hotel sa Barangay Macanaya.

Sa pahayag naman ni P/Senior Supt. Albertlito Garcia, hepe ng intelligence police regional office 02 na nakabase sa Camp Adduru, Tuguegarao City, Cagayan, inabangan ng dalawang ‘di-pa kilalang lalaki ang biktima sa inu­upahang hotel kung saan siya binaril habang papa­sok ito sa kanyang tinu­tuluyang kuwarto.

 “The victim immediately proceeded to his rented room and as he was about to enter inside, one of the suspects followed him and shot him twice, hitting him on the nape that caused his death,” paha­yag ni Garcia.

 “We are also looking into all the cases handled or currently lodged at the judge’s sala for it might have something to do with his killing, we are still investigating all possible motives or angles, especially whe­ther it was work-related or personal,” dagdag pa ni Garcia

Samantala, lumabas na­man ang usapin ka­ug­nay sa nakatakdang promulgation na isasagawa sana ng hukom na may kaugnayan sa malaking kaso na sinasabing isa sa motibo ng krimen

Show comments