14 Abu Sayyaf na nasakote pinalaya

ZAMBOANGA CITY, Philippines — Dahil sa kawalan ng municipal prosecutor para sa pagsasampa ng kauku­lang kaso, pinalaya ng pulisya ang labing-apat sa labin­limang bandidong Abu Sayyaf na naaresto ng Army Scout Ranger noong Sabado sa Sitio Bohe Pange sa Barangay Giuong, Sumisip, Basilan.

Gayon pa man, sinabi ni P/Senior Supt. Antonio Mendoza, nanatiling na­ka­­kulong ang Abu Sayyaf na si Umar Ippong dahil may nakabinbing warrat of arrest at kasalukuyang su­ma­sailalim sa tactical interrogation.

Napilitang palayain ni Mendoza ang mga ban­dido upang iwasan na maka­suhan ng illegal detention matapos ang 36-oras na pagkakakulong kung saan nabigo nilang kasuhan ang mga suspek dahil sa ka­walan ng municipal pro­secutor na sina­sabing naka­bakasyon.

Subalit handa naman arestuhin muli ang 14 na bandido habang iniha­handa ang kasong illegal possession of firearms and explosives. Philippine Star News Service

Show comments