CAMARINES NORTE , Philippines — Isa namang biktima ng karumal-dumal na krimen ang isang 24-anyos na kasambahay makaraang halayin ay pinagpapalo pa ng kahoy hanggang sa mapatay ng ‘di-pa kilalang lalaki kahapon ng madaling-araw sa liblib na bahagi ng Purok 4, Brgy. Alawihao sa bayan ng Daet, Camarines Norte.
Basag ang bungo at walang suot na pang-ibabang damit nang matagpuan si Ma. Liezel Abuel ng Purok 7, Brgy. Dos Pasig.
Sa inisyal na imbestigasyon ni P/Sr. Insp. Grace Gorospe, hepe ng PNP SOCO-Camarines Norte, huling namataang buhay ang biktima na nagpaalam na manonood ng coronation night at sayawan sa Brgy. Alawihao kasama ang kaibigang babae.
Nabatid na ang biktima ay namamasukang katulong sa Brgy. Pamorangon.