1 Sayyaf dedo, 14 pa naaresto

MANILA, Philippines - Umiskor ang dalawang grupo ng elite Army Scout Ranger sa ilalim ng Task Force Trillium matapos na mapatay ang isang ban­didong Abu Sayyaf habang 14 iba pa ang naaresto sa isinagawang operasyon sa kagubatan ng Sumisip, Basilan kahapon ng umaga.

Bandang alas- 5:30 ng umaga nang salakayin ng mga sundalo ng 13th Scout Ranger Company ng Task Force Trillium ang pinagku­kutaan ng mga bandido sa pamumuno ni Umpar Ipong sa Sitio Bohe Pange sa Ba­rangay Gihong.

Narekober sa pinangya­rihan ng sagupaan ang bang­kay ng napatay na bandido, isang M203 grenade launcher tube, 6- M16 rifles, Garand rifle, 2- ICOM transceivers, granada, blasting cap, round ng M 60 MM mortar shell, 2-battalion pack ng ICOM, 8-sets ng camouflage uniform, 3 jungle packs, 7 ammunition carrying vests, 3-combat boots at dalawang cell phone.

Kasalukuyan nang isina­sailalim sa tactical interrogation ang mga nasakoteng bandido.

Show comments