Mag-ama niratrat, dedo

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Napaaga ang kamatayan ng mag-amang lulan ng kotse makaraang pagba­barilin ng mga ‘di-pa kila­lang lalaki sa kahabaan ang highway ng bayan ang Isulan, Sultan Kudarat noong Miyerkules ng ha­pon. Lumilitaw na lulan ng Honda CRV (LEB 762) ang mag-amang Peter Pe­ralta, kandidatong board member sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition at Fel­vajar nang ratratin motorcycle-riding gunmen ha­bang papasok ng compound ng kapitolyo sa Ba­rangay Kalawag. Kahit su­gatan ay naga­wang pang patak­buhin ang ka­nilang sasakyan patu­ngong kam­po ng pulisya sa Tacurong City. Naisugod pa ang mag-ama sa Sultan Ku­da­rat Doctors Hospital subalit idenekla­rang patay.

Show comments