Bahay ng poll watcher sinunog

CAMP BONNY SER­RANO, Masbate City, Philippines — Sinunog ang bahay ng isang poll watcher ng ma­yoralty bet makaraang tu­manggi sa kahilingan ng mga opisyal ng barangay na suportahan ang kala­bang kandidato bago mag­halalan sa Barangay Cur­vada sa bayan ng Cata­ingan, Masbate.

Lumilitaw na naganap ang panununog sa bahay ng pamilya Rosas habang ang buong pamilya ay nasa polling center at binaban­tayan ang anak na tuma­tayong poll watcher ng kadidato sa kanilang lugar.

Napag-alamang bago naganap ang insidente ay hinikayat ang mga magu­lang na isaisantabi ang pagiging poll watcher ng kanilang anak na dalaga subalit tumanggi ang pa­milya kaya walang nagawa ang mga opisyal ng ba­rangay.

Subalit laking gulat ng pamilya Rosas nang ipa­­ abot sa kanila ng ilang ka­pitbahay na si­nunog ang kanilang ta­hanan.

Show comments