IMUS, Cavite, Philippines — Mariing kinuwestiyon ni incumbent Imus Mayor Manny Maliksi ang local na Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa discrepancy ng official sample ballot na ipinamigay sa mga residente na hindi umuugma sa actual ballot na ginamit noong araw ng halalan na nagdulot ng kalituhan sa mga botante.
Lumilitaw na ang pangalan ni Maliksi sa mga official sample ballot na ipinamudmod ng Comelec bago mag-eleksyon ay nasa first line ng third column.
Subalit sa actual ballot noong election day, ang pangalan ni Maliksi ay inilipat sa second line ng second column, kung saan ang kanyang karibal sa mayoralty race na si Homer Saquilayan, na naiproklamang nanalo ay nailagay kung saan ang pangalan ng una sa official sample ballot.
“It is possible that some of the voters like the senior citizens may have overlooked the name written in the first line of the third column and just simply shaded the circle in reference to the official sample ballot where my name was in that spot,” pahayag ni Maliksi.
“It can also be that some of the voters had second thoughts of shading the circle beside my name in the actual ballot where it is printed in the second line of the second column for fear that it might not be read by the precinct count optical scan (PCOS) machine as a vote for Maliksi because in the official sample ballot from Comelec, my name was not in that spot.” Dagdag pa ni Maliksi
Naniniwala naman si Maliksi na naging pabaya ang Comelec at ‘di-kapani-paniwala na matatalo siya sa mayoralty race kung saan ang kanyang walong partymates, mula vice mayor hanggang konsehal, ay nanalo.
Si Maliksi ay inindorso ng Iglesia ni Cristo at maging sa mga independent survey ay nangunguna noong campaign period.
Inihahanda na ni Maliksi ang mga legal na hakbangin para maremedyuhan at maituwid ang nasabing isyu.