ILOCOS SUR, Philippines - Matapos makapagpahinga ng apatnapung taon sa politika, muling namayagpag si Luis Chavit Singson matapos manalo bilang gobernador sa Ilocos Sur sa katatapos na May 10 elections. Maging ang kanyang anak na si Ronald Singson ay napanatili ang upuan bilang congressman ng 1st district habang ang kapangalan ng anak na pinsan ni Chavit na si Eric Own Singson, ay nanalo rin sa congressional bet sa1st district. Samantala, ang bunsong anak ni Chavit na si Ryan Singson ay nanalong vice mayor sa Vigan City samantalang ang pamangkin na si Eva Singson-Medina ay walang kalaban sa mayoralty race. Gayundin ang utol ni Eric na si Allen ay nanalo sa ikatlong termino bilang mayor sa Candon City habang ang kanyang tiyuhin na si Alfonso Singson ang kanyang vice mayor. Ang utol na babae ni Chavit na si Germelina Singson-Goulart, bagong proklamang alkalde sa kalapit na bayan ng Caoayan.