CALAUAN, Laguna , Philippines – Naalarma ang Bangon Pilipinas sa mga ulat na aabot sa 1,000 tagasuporta ni Bro. Eddie sa Maguindanao ang nawala sa listahan ng mga botante na nakatakdang bumoto sa eleksyon bukas.
Sa ulat na tinanggap ni Bangon Pilipinas campaign manager Atty. Lyndon Caña, karamihan sa mga nawawala ang pangalan ay mga poll watcher ng Bangon Pilipinas partikular sa Maguindanao.
“Alarm! Alarm! All of the names of 1,000 plus poll wathcers of Bangon Pilipinas in Maguindanao disappeared from the official voter’s list of Comelec,” ayon kay Caña.
Umapela na ang mga nawala sa listahan sa lokal na sangay ng Comelec dahil sa kuwestyonableng pagkawala ng kanilang pangalan.
Ang mensahe ni Caña ay natanggap ni Bangon Pilipinas presidential standard bearer Bro Eddie Villanueva habang nasa kasagsagan ng pagpapasinaya at pagbubukas nang kauna-unahang Food Farm Project ng Bangon Pilipinas at Movement for National Transformation sa Brgy. Dayap, Calauan, Laguna.