MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa limang sibilyan habang 14 iba pa ang nasugatan makaraang magbanggaan ang pampasaherong jeepney at owner-type jeep sa highway KM3 ng Barangay Baan sa Butuan City kamakalawa ng hapon. Kabilang sa mga nasawi ay sina Arcelino Mansalay, 54; anak nitong si Rachele Joy, 18; Fretchie Echon, Emmanuel Trillo at si Deonesia Basilisa. Naisugod naman sa Butuan City Medical Center at Agusan del Norte Provincial Hospital ang mga sugatang sina Junrey Abinohan, Ruben Valerio, Arnel Cubero, Vicenter Alvior, alyas Junjun, Temotia Camel, Michael Junel, Ronel Fuentes, Ronilo Macalet, Ronald Pangan, Joey Silagan, at si Richard Fiera habang nasa kritikal na kondisyon naman si Toto Pugahan. Ayon sa imbestigasyon, patungong Las Nieves, Agusan del Norte ang pampasaherong jeepney (LMA 647) ni Mansalay nang makabanggaan ang kasalubong na owner-type jeep (GCZ 410) ni Edgar Martinez.