3 adik tiklo sa checkpoint

BULACAN, Philippines – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang notor­yus na adik sa bawal na droga ang naaresto ng pu­lisya sa ini­latag na Comelec checkpoint sa Brgy. Sta. Cruz sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Fer­nando Quintela, 29, ng Brgy. Poblacion; Angelito Roxas, 47, ng Brgy. Manggahan at si Rodelio Reyes, 31, ng Brgy. Sta. Cruz. Sa ulat na naka­rating kay P/Supt.Marcos Rivero, ang mga suspek ay nakum­pis­kahan ng drug paraphernalia at plastic sachet ng shabu.

Naging positibo naman sa bawal na droga ang mga suspek matapos isailalim sa drug test sa PNP Crime Lab sa Malolos City.

Show comments