Solido si Misuari kay Bro. Eddie

MANILA, Philippines - Nanawagan si Nur Mi­suari, pinuno ng Moro National Liberation Front (MNLF), sa lahat ng lide­rato, miyembro at taga-su­porta ng MNLF ay ku­mampanya at bu­moto kay Presidential candidate Bro. Eddie Villa­nueva ng Ba­ngon Pilipinas sa May 10 elections.

“Ipunin natin ang lahat ng boto ng Mindanao para kay Bro. Eddie Villanueva, Bro. Jun Yasay at sa lahat ng ka­sama nila sa Bangon Pilipi­nas,” mariing pahayag ni Misuari sa harap ng 200,000 lider, at 10,000 honor guard ng MNLF na dumalo sa ika-6 MNLF Summit sa Tionko Football Stadium sa Davao City ka­makalawa.

“Kung sapat na ang sa­lita ko para iboto nating lahat si Bro. Eddie, ma­ngumbinse pa tayo ng tig­lilimang boboto para sa kanya at sa Bangon Pili­pinas,” dagdag pa ni Mi­suari na kandidato sa gubernatorial race sa Sulu sa ilalim ng Bangon Pilipinas.

Noong Marso 18, sa selebrasyon ng Freedom Day ng MNLF sa Ipil, Zam­boanga, itinaas ni Misuari ang kamay ni Villanueva at ipinangakong magda­dag­dag ng 5 milyong boto sa Ba­ngon Pilipinas.

Ipinangako ni Villa­nue­va na ipagpapatuloy ang ispirito at tunguhin ng Final Peace Agreement na ni­lagdaan noong 1996 kung saan makikipagtulungan siya sa MNLF na wakasan ang labanan sa Mindanao upang makapagtamasa ng pag-unlad sa ilalim ng plataporma ng Bangon Pilipinas Party.

Ang maaga at maagap na pangunguna ni Villa­nueva sa mga exit poll sa labas ng ban­sa ay nag­pa­pakita na tama ang kal­ku­las­yon ng Bangon Pilipinas sa mga boto nito.

Show comments