PNP, AFP escorts inalis sa Abra

MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na mga karahasang dulot ng May 10 elections sa pagitan ng magkalabang kandidato, tinanggalan muna ng mga security escort na mga pulis at sundalo ang mga pulitiko partikular na ang mga kan­didato sa Abra.

Ito’y alinsunod sa direk­tiba ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa upang mabawasan ang tensiyon sa lalawigan. “Police and military security detail assigned to some Abra politician were recalled in the aftermath of last week’s violent confrontation between followers of two opposing political camps,” pahayag ni PNP Spokesman Chief Supt. Leonardo Espina. Kabilang sa tinang­galan ng security escorts ay ang magkalabang ma­yoral bet na sina Dominic Valera at Ryan Luna sa kapitolyo ng Bangued; sina mayoral betJenrix Luna, sa bayan ng Lagayan at Crom­­well Luna, kandidato sa pagka-mayor sa bayan ng Tineg.

Show comments