RIZAL, Philippines — Napaslang ang isang 58-anyos na overseas Filipino worker makaraang pagtulungang saksakin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki na nanloob sa tahanan ng una kahapon ng madaling-araw sa Kasiglahan Village, Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal.
Kinilala ang napatay na si Antonio Aveluna ng Block 3, Lot 9, Phase 1B sa nabanggit na barangay.
Sa ulat na natanggap ni P/Supt. Ruel Vacaro, pinaniniwalaang natutulog ang biktima nang magising dahil sa ingay na likha ng mga kawatan. Dito na nanlaban ang biktima kaya naganap ang pamamaslang.