2-katao niratrat sa gitgitan

RIZAL, Philippines — Napaslang ang magkaibigang lalaki na magkaangkas sa motor­siklo makaraang pagbaba­rilin ng nakagitgitang naka­motorsiklo, kamakalawa ng madaling-araw sa bayan ng Rodriguez, Rizal.

Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina Erwin Ma­nalac, 28, ng Rodriguez at Carlo Alano, 32, kapwa nakatira sa. Phase 1B, Su­burban Village, Barangay San Roque,

Base sa police report, naganap ang krimen sa kahabaan ng Don Mariano Extension malapit sa may Mahogany Farm sa na­banggit na barangay.

Nabatid na nakagitgitan ng dalawa ang isang ‘di-kilalang lalaki na lulan din ng motorsiklo kung saan nauwi sa matinding pag­tatalo.

Dito na bumunot ng baril at pinutukan ng suspek ang magkaibigan kung saan kaagad na tumakas sa hin­di nabatid na direksyon.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pu­lisya para matukoy ang pag­kakakilanlan ng sus­pek.

Show comments