2 'holdaper' arestado

BULACAN, Philippines— Dalawang kalalakihan na pinaniniwa­laang miyembro ng holdap gang ang naaresto ng pulisya makaraang makumpiskahan ng baril sa inilatag na Comelec checkpoint sa bisinidad ng Barangay Partida Highway sa bayan ng Norzagaray, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan habang naka­piit sina Ro­lando Parado Jr., 26; at Benjie Zamora, 27, kapwa nakatira sa Sitio Mataas-na-kahoy, Brgy. FVR sa nabanggit na bayan. Base sa police report, lulan ng motorsiklo (PT 6610) ang dalawa nang parahin para inspeksyunin ni PO2 Eduardo Cabalonga Jr. Nang kapkapan ang dalawa ay na­diskubreng may nakasukbit na baril sa baywang kaya kaagad na inaresto si Parado.

Show comments