P1 milyon pondo kada barangay

QUEZON, Philippines Aabot sa P1 milyong pondo kada barangay ang panukala ni ex-Quezon Governor Eddie Rodriguez sa 325 barangay ng Bondoc Penin­s­ula sakaling maluklok bilang kinatawan ng 3rd Dis­trict ng nabanggit na la­lawigan.

“Bukod sa aking CDF bilang congressman ay hihi­ngan ko rin ng tulong si Gov. Raffy Nantes ng 20% deve­lop­ment fund para maka­likom ako ng kabuuang P500 milyon upang ilaan sa kaunla­ran ng lahat ng barangay ng Bondoc Peninsula,” dagdag pa ni Rodriguez

Binanggit ni Rodriguez na overconfident ang kanyang ka­tunggali sa halalan na si incum­bent Cong. Danilo Suarez kaya’t ’di ito nag-iikot sa mga barangay at nagpapatawag lamang sa kanyang bahay ng mga lider upang mamahagi ng pondo sa kampanya.

Ipinangako ni Rodriguez na maging hands-on congressman ng Ikatlong Distrito na pumu­punta sa mga barangay taglay ang mga programa at proyek­tong pang-kaunlaran upang ipa­­ramdam ang tunay na pag­ba­bago dulot ng matapat na nagli­lingkod.

Show comments