CAVITE – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang kawani ng munisipyo ng bayan ng General Aguinaldo makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo, kahapon ng umaga sa bisinidad ng Barangay Mabato, Maragondon, Cavite.
Napuruhan sa batok at mukha si Rodolfo Loyola, 56, ng Brgy. Malipay, General Aguinaldo, Cavite.
Base sa police report, ang katawan ni Loyola ay natagpuan sa loob ng Mitsubishi Lancer (TNV 703). Narekober sa crime scene ang 14-basyo ng M16 Armalite rifle. Isa sa anggulong sinisilip ng mga imbestigador ay awayan sa lupain.