Pulis dedo, misis grabe

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang pulis habang sugatan naman ang kanyang misis sa naganap na pananam­bang ng mga ’di-pa kilalang lalaki kamakalawa ng madaling-araw sa bisinidad ng Brgy. Tetuan, Zamboanga City.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Edwin de Ocampo na nakarating sa Camp Crame, magkaangkas sa motorsiklo sina PO3 Bernardo Raz, at Alma Bonifacio.nang dikitan at ratratin ng motorcycle-riding gunmen.

Isa sa mga anggulong sinisilip ng pulisya ay love triangle habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments