CAVITE, Philippines – Dalawang security guard ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng mga di-pa kilalang kalalakihan sa bahagi ng Hills View Subdivision, Sitio Lontoc sa Brgy. Timalan, Balsahan, Naic, Cavite kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina Reynald Lacsa, 19; at Roberto Bungay, 37, kapwa security guard ng Aircobra Security Agency. Base sa police report, tatlong armadong kalalakihan na nakasuot ng sekyu ang nagpunta sa guard house ng mga biktima kung saan nagtanong pa kung may nakitang magnanakaw. Matapos sabihin ng mga biktima na wala silang nakitang kahit sinuman ay umalis na ang tatlo. Nabatid na nag-usap-usap sa di-kalayuan ang tatlo at nang bumalik ay pinagbabaril na ang mga biktima.