P.2M kargamento kinulimbat

BULACAN, Philippines –  Aabot sa P.2 milyong kargamento na lulan ng trailer truck ang kinu­limbat ng ’di-pa kila­lang lalaki sa Brgy. Sta. Clara sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan ka­hapon ng madaling-araw.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jayson Taniza, lumi­litaw na minamaneho ni Robin Espinosa ang trailer truck (UMD109) kasama ang tatlong pahinante pa­tungo sa bayan ng Gui­guinto mula sa Barangay Matictic, Norzagaray nang parahin ng nag-iisang ‘di-pa kilalang lalaki.

Nakiusap na makikisa­kay lamang ang lalaki pa­tungo sa Brgy. Ta­bang, Guiguinto kung saan pina­sakay naman ni Espinosa.

Gayon pa man, pag­sapit sa madilim na bahagi ng Brgy.Sta. Clara ay tinu­tukan na sila ng lalaki na nagpakilalang rebeldeng New People’s Army.

Dito na sila iginapos at inabandona sa madamong bahagi kung saan na­itakas naman ng suspek ang trailer truck na nagla­laman ng saku-sakong semento.

Sa tala ng pulisya, no­ong Marso 13 ay nakulim­bat din ang trailer truck (WAP-547) ni Manuel Vic­toria kung saan natangay ang P.2 milyong karga­mento sa Barangay Pobla­cion, Norzagaray, Bulacan.

Pinaniniwalaang isang grupo ng hijacker ang nasa likod ng insidente.

Show comments