Habang nangangampanya: Kandidato dedo sa heat stroke

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Isang kandidato sa pagka-councilor na ka­partido ni Liberal Party (LP) presidential bet Sen. Be­nigno “Noynoy” Aquino III ang nasawi habang na­nga­ngampanya sa bayan ng Tumauini, Isabela.

Kinilala ng pulisya ang namatay na si Vicenta Espi­ritu, 66, riteradong guro at kandidato bilang municipal councilor ng Tumauini, Isabela.

Ayon sa ulat, noong Mi­yerkules (21 April) habang nagsasalita si Espiritu sa harapan ng kanyang mga supporter at coordinator nang bigla nitong ibinaba ang microphone at naupo.  

Sinasabing nawalan ito ng malay kung kaya’t isinu­god sa ospital subalit idi­nek­larang patay ang bik­tima.

Pinaniniwalaang na­dale ng heat stroke ang biktima dahil sa sobrang init ng panahon kung saan sa araw na iyon ay na­italang umabot sa 38 degrees Celsius sa Cagayan kabilang na ang bayan ng Tumauini.

Ang nasabing tempera­tura ang sinasabing pina­ka­mataas na naitala sa buong bansa maliban sa 42 degrees Celsius na naitala 30-taon na ang nakalipas.

Show comments