Escort ng kandidato dinedo ng pulis

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines  — Nalalagay sa balag ng alanganing ma­sibak sa tungkulin at makulong ang isang ala­gad ng batas na umaak­tong escort ng alkalde makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang alalay ng mayoralty bet sa Barangay Katipu­nan sa bayan ng Placer, Masbate kamakalawa ng hapon.

Napuruhan sa dibdib si Carlo Censero na sinasa­bing close-in security aide ni Mayoralty bet Fernando Talisic at residente ng Barangay Poblacion.

Samantala, hindi naman sinabi sa police report kung sumuko o naaresto ang suspek na si PO2 Gilbert Tampa na tumatayong security escort ni Mayor Jos­hur Judd Seachon - Lanete sa nabanggit na bayan.

Bago naganap ang kri­men, nagkainitan ang da­lawa kaugnay sa kani-kanilang sinusuportahang kandidato sa pagka-mayor kung saan sinasabing na­pikon ang suspek.

Pinaniniwalaang may koneksyon sa nalalapit na May 10 eleksyon ang na­ga­nap na pamamslang.

Show comments