Kidnap victim pinatay

MANILA, Philippines - Isang 20 anyos na lalaki na napaulat na kinidnap sa Parañaque City noong Martes ang natagpuang patay sa loob ng isang kotseng Honda City sa Bataan ka­makalawa ng gabi. Iniulat kahapon ng radio station dzXL na ipinoste rin sa GMA News na ang bangkay ni Edward Reyes ay natagpuan sa loob ng Honda City na na­ka­parada malapit sa isang bus terminal sa Munting Batangas Village sa Balanga City. Nakagapos ng plastic cord ang mga kamay at paa ng biktima, ayon sa ulat. Dinala sa Saint Joseph Hospital ang bangkay ha­bang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments