Estudyante ng Mapua namatay sa hazing

MANILA, Philippines - Isang 18-anyos na engineering student ang na­matay sa isang hazing ng isang fraternity sa Trece Martirez, Cavite ka­ma­ka­lawa ng gabi.

Wala nang buhay nang maipasok sa MB Santiago Medical Center sa Cavite ang biktimang si Daniel Lorenz Jacinto, second year engineering student ng Mapua Institute.

Inaresto naman ng pu­lisya ang anim pang estu­dyante na nagdala sa bug­bog na katawan ni Jacinto sa ospital.

Nakilala ang mga sus­pek na sina Jan Arman Ca­nicosa, Ronnie Mozo at Emil Jan Villanueva, pa­wang 19; Paulo Alvarez, 22; Marco Polo Sarno 21; at Glenn Angelo Mancilla, 20, lahat ay pawang resi­dente ng Cavite.

Nabatid sa mga ma­gulang ni Jacinto na inilihim sa kanila ng kanilang anak ang pagsali nito sa fraternity at nagpaalam lang na maglalaro ng basketball ngunit hindi na nga ito na­kabalik pa. Nagtamo ang bik­tima ng mga sugat at malaking pasa sa binti na pinaniniwalaang pinalo nang paulit ulit ng matigas na bagay.

Inaalam pa ng pulisya ang pangalan ng fraternity ng mga suspek habang tumanggi namang magbi­gay pa ng detalye ang mga ito sa nangyari na nauwi sa pagkamatay ng biktima.

Show comments