Bankero utas, 3 Koreano sugatan

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Isang 24-anyos na bankero ang kumpir­madong nasawi habang nasugatan naman ang 3 Koreanong turista kabilang na ang isa pang bankero makaraang mabagsakan ng punong kahoy habang bumabaybay sa ilog ng Cavinti sa Laguna kamaka­lawa ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Supt. Manolito Labador, Laguna police director, ang nasawi na si Francisco Cataang Jr., 24, ng Ba­rangay Pinagsanjan, Pag­san­jan, Laguna.

Sugatan naman at na­isugod sa Pagsanjan Hospital sina Kim Kwang Su, 65; Kim Chil Soo, 59; Jeong Gyeong Jang, 49; at ang bangkerong si Wilfredo Juarez.

Nabatid na binabagtas ng mga biktima ang ilog na patungong Cavinti Falls (dating Pagsanjan Falls) nang mabagsakan ng tu­mum­bang punong kahoy mula sa gilid ng ilog ban­dang alas-10:45 ng umaga.

Posibleng lumambot ang lupa sa gilid ng ilog dahil sa pag-ulan bago naganap ang trahedya.

Show comments