Kawani nahati ang katawan

BULACAN, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 31-anyos na kawani ng pribadong kompanya makaraang masagasaan ng trak at mahati ang katawan sa bisinidad ng Barangay Saog sa bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Roderick Gomez 31,binata, auditor ng export-import co. na nakabase sa Makati City, at nakatira sa Brgy.Gulod, Novaliches Proper, Quezon City. Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng Izusu 10- wheeler truck (RCL-612) na si Gil Bernardo, 32, ng Southville 2,Trece Martires City, Cavite. Ayon kay PO2 Edgardo Tongol, nakaangkas sa motorsiklong minamaneho ni Mark Anthony Juanson ang biktima nang masagi ng isa pang motorsiklo na nag-overtake. Nawalan ng kontrol si Juanson at tumilapon ang biktima kaya nasagasaan ng trak.

Show comments