Estudyante, tindera itinumba

BULACAN , Philippines  — Dalawa-katao ang napagtripang paslangin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki na lango sa bawal na droga sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Bulacan kamakalawa. Si Omar Santos, 20, na may tama ng bala ng baril sa dibdib ay natagpuan sa bisinidad ng La Aldea Subd. sa Brgy. Ilang-Ilang, Guiguinto, Bulacan. Ayon sa pulisya, si Santos na working student ay security guard at nakatira sa Brgy. Catmon, Sta. Maria Bulacan. Sa­man­tala, ang bang­kay ni Cynthia Alba, 36, na may tama ng bala ng baril sa ulo ay nakabulagta naman sa waiting shed ng Hazel Heights Subd. sa Brgy. Iba O Este sa bayan ng Calumpit. Si Alba na isang tindera ay nakatira sa Brgy. Iba O Este sa bayan naman ng Calumpit.

Show comments