Ex-Cafgu niratrat

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Isang 48 anyos na dating aktibong miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit na si Paquito Barrun ang pinagbabaril at na­pa­tay ng tatlong hinihinalang miyembro ng New People’s Army habang naghaha­punan siya sa loob ng kanyang bahay sa P-4 Barangay San Juan, Casiguran, Sorsogon kama­ka­lawa ng gabi. Napagalaman na bago pinaslang ang mister ay pinagsabihan pa itong ng kanyang mga kasalanan noong ito ay kasapi pa ng Cafgu.

Show comments