3 katao sugatan sa pagsabog

ZAMBOANGA CITY, Philippines — Tatlo katao ang sugatan sa mga pag­­sabog ng bomba sa mag­kakahiwalay na lugar sa lala­wigan ng Zamboanga Si­bu­gay kamakalawa ng gabi.

Sinabi ng tagapagsalita ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines na si Lt. Stef­fani Cacho na naganap ang unang insidente nang dala­wang improvised explosive device ang sumabog ban­dang alas-8:00 ng gabi sa bayan ng Titay.

Sinabi ni Cacho na su­mabog ang isang IED sa likod ng isang bakod ng kan­didatong mayor na si George Castillo sa Barangay Pobla­cion. Ang pangalawa ay sumabog sa Barangay San Antonio sa naturan ding bayan.

Isa namang granada ang sumabog sa Poblacion, Ka­basalan, na malapit sa Ipil, Zamboanga Sibugay na iki­nasugat ng tatlong tao.

Inihagis ang granada sa harap ng bahay ng isang pulis bandang alas-8:30 ng gabi ng Huwebes. Pero tina­maan nito ang tatlong sibil­yan.

Show comments