Ama binoga ng anak, todas

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Nauwi sa trahedya ang mainitang pagtatalo kaug­nay sa bentahan ng lupa matapos na mapatay ang ama ng kanyang anak na lalaki sa Barangay Pobla­cion sa bayan ng Antipas, North Cotabato kamaka­lawa ng gabi.

Napuruhan ng bala ng ba­ril sa dibdib at idinekla­rang patay sa Arakan Valley District Hospital si Concordio Dumaog, 57 habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Rodel Dumaog, 30.

Base sa police report, sumentro ang isyu sa pag-aaring lupa ng ka­ nilang pag-uusap kung saan imi­nungkahi ni Con­cordio sa kanyang anak na si Rodel, 30, na ibenta ang maliit nilang lupain sa Poblacion para may pambayad sa ospital ng isa pa nilang kapatid na sumailalim sa caesarian operation.

Gayon pa man, ‘di-pu­mayag si Rodel kayat nag­talo ang mag-ama habang nag-iinuman ng alak.

Sa kainitan ng pagta­talo, kinuha ni Rodel ang baril at ipinutok sa dibdib ng ama bago tumakas.

Show comments