Cafgu dinedo sa hapunan

MANILA, Philippines - Nakisabay si kamatayan sa huling hapunan ng isang kawal ng Citizen’s Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army noong Martes ng gabi sa bayan ng Banilisan, Cotabato. Nasapol sa ulo si Eduardo Necor, 33, nakatalaga sa 135th Cafgu Active Auxiliary Company. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naghahapunan ang biktima sa loob ng kanilang bahay nang isagawa ng mga rebelde ang pamamaslang. Joy Cantos

Show comments