Ambus: Pre­sidente ng MAFC grabe

MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang pre­sidente ng Mindanao Autonomous Foundation College makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa panulukan ng Cuevas at Antonio Street sa Barangay Ma­tibay, Lamitan City sa Basilan kamakalawa. Nasa maselang kalagayan ngayon sa Dr. Torres Hospital si Hadji Ibrahim Hassan. Sa ulat ni P/Senior Supt. Antonio Mendoza na na­karating sa Camp Crame, nagmomotorsiklo ang biktima nang dikitan at ratratin ng mga armadong kalalakihan na lulan ng motorsiklo. Joy Cantos

Show comments