Bus swak sa bangin: 27 sugatan

MANILA, Philippines - Aabot sa dalawampu’t pitong-katao ang iniulat na nasu­gatan makaraang mahulog ang pampasaherong bus sa ba­ngin sa Barangay Aplaya, Digos City, Davao del Sur ka­ma­kalawa.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, na­isugod naman sa Davao del Sur Provincial Hospital sa Digos City ang mga biktimang sugatan.

Bumabagtas sa high­way patungong Davao City ang Grand Bus na may plakang MAV- 275 ni Renato Alcala nang mawalan ng kontrol sa manibela bago nagtuluy-tuloy sa bangin. Joy Cantos

Show comments