Truck vs bus: 1 dedo, 18 sugatan

Camp Vicente Lim, Laguna , Philippines  — Patay ang isang truck dri­ver samantalang sugatan naman ang 18 katao matapos sumalpok ang isang bus sa isang delivery truck sa kahabaan ng San Pablo City, Laguna kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Senior Superintendent Manolito Labador, Laguna police director, ang nasawing truck driver na si Gerald Re­medios, residente ng Barangay Antipolo del Sur, Lipa City, Ba­­tangas. Batay sa imbestigasyon, binabagtas ni Remedios ang kahabaan ng Maharlika Highway lulan ng delivery truck nang bigla na lang salpukin ng isang nag-over take na Ray­mond Transportation bus (TWX 454 ) bandang alas-3:00. Dead-on-the-spot si Remedios samantalang sugatan naman sa binti ang bus driver na nakilalang si Sherwin Roman. Mabilis na isinugod sa ospital ang tatlong sakay ng cargo truck at ang 14 na sakay ng bus para lapatan ng paunang lunas. Naka­takdang sampahan ng police ang bus driver ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and multiple physical injuries. Arnell Ozaeta

Show comments