CAVITE , Philippines — Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang college student makaraang magbigti ito nang malamang hindi siya makakasama sa graduation, kamakalawa ng madaling-araw sa Brgy. San Jose, Noveleta ng lalawigang ito.
Sa ulat na natanggap ni Provincial Director Sr. Supt. Primitivo Tabujara nakilala ang nasawi na si Mark Ronald Bagtas, 21, estudyante ng TUP at residente ng nasabing lugar.
Batay sa imbestigas yon ni SPO4 Meynard Genuino, may hawak ng kaso dakong alas 4:35 ng madaling araw ng makita ng ate ng biktma na nakabigti ng nylon cord sa kisame ng kanilang dirty kitchen si Mark.
Agad itong humingi ng saklolo sa kanyang mga kasama ang bahay at mabilis na pinutol ang nylon cord at isinugod sa Saint Martin Hospital ang biktima gayunman idineklara itong patay.
Nabatid mula kay SPO4 Genuino, nalaman umano ni Mark na hindi ito makakasama sa graduation ngayon at dahil sa labis na pagkabigo, kahihiyan at hindi masabi sa kanyang pamilya ang problema kaya nagpasya itong magpakamatay.
Napag-alaman pa na limang taon nang kinukuha ng biktima ang kursong BS Marine Transportation sa nasabing eskuwelahan subalit hindi pa rin ito nakapasa at isang subject umano ang ibinagsak nito.