Driver inatake sa puso, patay

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Isang driver ng pampasaherong bus ang inatake sa puso at namatay sa pagmamaneho habang na­sawi rin ang isang lalaking nabangga niya sa kahabaan ng Maharlika Highway, Sitio Bacara, Barangay Buena­vista, San Fernando, Cama­rines Norte kahapon ng ma­daling-araw.

Nakilala ang mga biktima na sina Ferdinand Suyu, 36 anyos, driver ng Arandia Bus Lines; at Dennis Ereneo, 21, residente ng Barangay Del Pilar sa San Fernando.

Sinasabing galing sa Maynila patungo sa bayan ng Pio Duran na binabagtas ng Arandia Bus Lines na mina­maneho ni Suyu ang Mahar­lika Highway nang bigla siyang atakihin sa puso, at sa pagkabigong makontrol ang bus, nasalpok niya si Ereneo na tumatawid sa kalsada.

Kasunod nito, nahulog ang bus sa gilid ng isang palayan. Wala namang na­su­gatan sa mga pasahero nito. Ed Casulla

Show comments