MANILA, Philippines - Isang 37 anyos na barangay tanod na si Norman Basil ang binaril, nasugatan at naaresto ng mga pulis na tinangka niyang itakin sa halip na palayain ang dalawang batang sina Je-Lam Jimenez, tres anyos, at Anthon Daniel Jimenez, sais anyos, na kanyang binihag sa naturang lugar sa Rosary Heights 3, Cotabato City kamakalawa ng hapon. Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang suspek na umaming naburyong lamang siya kaya hinostage niya ang mga biktima. Joy Cantos