MANILA, Philippines - Niyanig ng malakas na pagsabog ng bomba ang residential compound ng isang alkalde at kapitbahay nitong kaniyang bise alkalde sa Aringay, La Union kamakalawa.
Sa report ng Police Regional Office 1, naganap ang insidente sa residential compound ni Aringay Mayor Teresita Abad Ong bandang alas-3:15 ng madaling araw.
Mahimbing na natutulog ang pamilya ng alkalde nang yanigin ng malakas na pagsabog ng isang Improvised Explosive Device ang compound.
Natukoy ng pulisya na bomba na gawa sa ‘scrapped metal’ ang inilagay ng mga suspek sa puno ng mangga malapit naman sa bahay ni Vice Mayor Arniel Ong. Joy Cantos