Prexy ng asosasyon niratrat

SUBIC, Zambales, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang presidente ng homeowners’ association makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki sa Barangay Sto. Tomas, Subic, Zambales kamakalawa ng gabi. Mahigpit na binabantayan ngayon sa Our Lady of Lourdes International Medical Center sa Olongapo City si Jimmy Castillo na magtamo ng tatlong bala sa katawan. Nakaligtas naman ang misis nito na si Bhec na lulan ng Hyundai Starex na may plakang REX-270. Malaki ang paniwala ni Bhec na may kaugnay ang nagaganap na sigalot sa Magdalena Homes Subdivision kung saan patuloy na binabantaan ang mga homeowner mula sa mga dating pamunuan ng MHHOA. Randy Datu

Show comments