KIDAPAWAN CITY , Philippines — Isang 21-anyos na Nursing student ang kumpirmadong nasawi makaraang mahagip ng multi-cab sa kahabaan ng highway sa Kidapawan City noong Sabado ng tanghali. Naisugod pa sa Kidapawan Doctors Hospital si Vernon Tardo subalit makalipas ang ilang oras, ay namatay din ito dahil sa matinding head injury. Sa police report, lumilitaw na pauwi sa Barangay Tagbak sa bayan ng Magpet, North Cotabato ang 4th year Nursing student ng North Valley College Foundation nang mabangga nito ang likurang bahagi ng Nissan pickup ni Johnel Malco, 38, kawani ng Asia Brewery. Bumagsak ang motorsiklo at tumilapon ang biktima sa gitna ng kalsada kung saan nasagasaan naman ng multicab ni Augustine Labitos, 40, ng Brgy. New Cebu, President Roxas. Malu Manar