Misis tinodas ni mister

NUEVA ECIJA , Philippines   — Pinaniniwalaang matinding selos ang isa sa motibo kaya pinagsasaksak hanggang sa ma­pa­tay ang isang 31-anyos na misis ng kanyang mister sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Malasin, sa bayan ng Sto. Domingo, Nueva Ecija, kamakalawa ng umaga. Nagkabutas-butas ang katawan ni Felomina Lo­pez y Salum, habang naaresto at pormal na kaka­suhan ang suspek na si Crisanto Lopez y Gonzalvo, 30. Napag-alamang nagtalo muna ang mag-asawa sa loob ng kanilang kuwarto bago humingi pa ng saklolo sa kanyang mga magulang ang biktima. Christian Ryan sta. Ana

Show comments