Peace covenant binastos ng PNP

IMUS, Cavite, Philippines — Lumag­da kahapon sa manipesto ang mga lokal na opisyal at kan­didato sa Cavite bilang pagpa­pakita ng kanilang oposisyon sa peace covenant na naka­takdang ganapin ngayon (Marso 12) sa Camp Panta­leon Garcia sa bayan ng Imus dahil sa patuloy na pagtanggi ng pamunuan ng pulisya na sumunod sa kautusan ng kor­te na pumipigil sa pagpa­palit kay P/Senior Supt. Alfred Sotto Corpus bilang provincial director.

Aabot sa 37 kandidato ang lumagda sa manipesto kung saan nakasaad ang kanilang paniniwala na ang pa­munuan ng PNP ay wa­lang moral at legal na ka­pang­­ya­rihan na mag-orga­nisa o ma­kibahagi sa gaga­na­ping peace covenant sa alegas­yong hindi sila ma­aring ituring na tagapanga­laga ng kapa­yapaan.

Ayon sa manipesto, ang PNP, mula kay DILG Secretary Ronaldo Puno hanggang kay Cavite police director P/Se­nior Supt. Primitivo Tabu­jara, ang walang-pakunda­ngang pagsuway sa utos ng mababang korte ay katum­bas na rin ng pagyurak sa ating dangal bilang mama­mayan. 

Sa paglabag na ito ng PNP, nawalan sila ng kara­patang mag-utos sa mama­ma­yan na igalang ang batas.

Nakasaad pa sa mani­pesto na nangangamba ang taum­bayan na ang PNP ay ma­gamit ng ilang pulitikong may pansariling interes na baguhin ang kalalabasan ng automated elections sa harap ng lantarang paglabag ng ka­pulisan sa batas. 

Noong Enero 8, naglabas ng 72-hour temporary restraining order (TRO) si Judge Norberto J. Quisum­bing ng Imus Regional Trial Court Branch 21 na pumipigil sa pagpalit sa puwesto ni P/Senior Supt. Alfredo Sotto Corpus.

Ipinagwalang-bahala ng PNP ang kautusang ito at iniluklok pa rin sa puwesto si Tabujara kung saan nag­labas din ng Status Quo Ante Order ang RTC Branch 90 sa ilalim ni Judge Perla Faller na naglalaman ng kapare­hong kautusan.

Sa kabila ng kawalan ng tiwala sa PNP, ipinahayag ng mga lumagda sa ma­ nipesto ang kanilang pagga­lang sa posisyon ng Parish Pastoral Council for Respo­nsible Voting (PPCRV) at sa Diocese ng Imus sa pag­lagda sa peace covenant. Cristina Timbang

Show comments