Mag-asawa, maid todas sa sunog­

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na ka­ma­tayan ang sinapit ng mag-asawang matanda at kasambahay nila maka­raang makulong sa nasu­su­nog na bahay sa Ba­ran­gay Guadalupe, Cebu City, Cebu kahapon ng umaga.

Bandang alas-5 ng uma­ga nang matagpuang patay ang mag-asawang sina Atty. Manuel Pastrana, 70; Norma Pastrana at kasambahay na nakilala lamang sa pangalang Joy.

Nakaligtas naman sa sunog si Court of Appeals Associate Justice Manuel Barrios at anak nitong si Atty. Manuel Isidro Rosa­uro Antonio Barrios.

Base sa police report na nakarating sa Camp Cra­me, bandang ala-una ng ma­­daling-araw nang mag­simula ang apoy na tuma­gal ng 12 minuto sa bahay ng mag-asawa sa Calde­ron compound sa nabang­git na barangay.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon ng mga tauhan ni F/Chief Ismael Codilla, nagsimula ang apoy sa living room kung saan natag­puan ang bangkay ng tatlo dakong alas-5 ng umaga matapos maapula ang sunog.

Nabatid na may sakit ang mag-asawa na pinani­ni­walaang hindi kaagad nakalabas kasama ang kanilang kasambahay.

Tinatayang aabot sa P1 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.

Show comments