Kandidato, NPA kolektor dedo

QUEZON, Philippines — Napatay ang notoryus na kolektor ng per­mit-to-campaign fees ng New People’s Army at na­damay sa sagupaan ang retiradong pulis na kandidato sa pagkakonsehal matapos na magresponde ang tropa ng 74th Infantry Battalion ng Phil. Army sa insidente ng kotongan sa Barangay Cabuyao Sur sa bayan ng Padre Burgos, Quezon kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang kandidato na si Rolando Hontiveros y Perilla ng Barangay San Isidro at Gilberto Esguerra na sinasabing pumuga sa Quezon Provincial Jail. Sa imbestigasyon, nabatid na nakikipagnegosasyon si Hontiveros kay Esguerra kaugnay sa permit-to-campaign ng NPA nang sumiklab ang sagupaan. Tony Sandoval

Show comments