MANILA, Philippines - Negatibo sa bawal na droga ang 115 pulis ng Negros Occidental PNP provincial office matapos ang isinagawang drug test noong Lunes (Marso 1), ayon sa opisyal na ulat kahapon. Ito ay base sa resulta ng chemistry report na isinumite ng PNP Crime Laboratory mula sa Camp Alfredo Montelibano sa pamumuno ni P/Supt. Lazaro Sumague na nagpapatunay na hindi gumagamit ng anumang mapanganib at bawal na droga ang sinuman na isinalang sa pagsusuri ng mga pulis. Bagaman ikinatuwa ni P/Chief Supt. Manuel Felix ang resulta ng drug test ay nagbabala ito sa kanyang mga tauhan na marami pang sorpresang drug test ang kanilang isasagawa sa hinaharap. Joy Cantos