Tinyente, 6 NPA dedo sa encounter

MANILA, Philippines - Isang tinyente ng Philippine Army at anim sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang sa naganap na madugong sagupaan sa hangganan ng mga Barangay Cadu­haan at Andres Bonifacio, sa Cadiz City, Negros Occidental kamakalawa.

Sa phone interview, ki­ni­lala ni Army’s 303rd Infantry Brigade Commander Col. Max Caro, ang na­sa­ wing opisyal  na si 1st Lt. Archie Polenzo ng Army’s 62nd Infantry Battalion.

Samantala, bineberi­pika ang mga pangalan ng anim na rebelde na nare­kober ang mga bangkay sa encounter site.

Nabatid na nagrespon­de ang tropa ng militar ma­karaang  makasagap ng impormasyon   kaugnay sa presensya ng mga rebel­deng sinasabing nango­ngotong sa mga residente ng Hacienda Margarita kung saan sumiklab ang madugong bakbakan

Narekober sa encounter site ang M16 rifle, AR 18 baby Armalite rifle, M14 rifle, ilang rounds ng bala ng M203 at mga personal na kagamitan.

Show comments