CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - Isang magsasaka na sinasabing tumangging magbigay ng revolutionary tax sa mga rebeldeng New People’s Army ang pinagbabaril hanggang sa mapatay kamakalawa sa Sitio Barsoan, Barangay Magsaysay sa bayan ng Bagamanoc, Catanduanes.
Kinilala ng pulisya ang napatay na si Robinson Basallo, 35, ng Sitio Sumingit sa nabanggit na bayan.
Lumilitaw na nagsasaka ang biktima sa plantasyon ng abaca nang lapitan at ratratin ng mga rebelde. Ed Casulla